Teddy para sa Senado

Pebrero 1, 2013 at 1:33 hapon Mag-iwan ng puna

TFPW, MAKABAYAN urge watchers to be vigilant

The regional formations of Task Force Poll Watch (TFPW) and Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (MAKABAYAN) urged Bicolanos to be vigilant in order to guard their votes during the canvassing. The danger of massive disenfranchisement of voters reports that streamed in from texters and Makabayan poll watchers all over the region showed disturbing trend of delayed opening of precincts, delayed delivery or failure of PCOS machines, unavailability of CF cards, brownouts, paper jam, and slow, even chaotic process of voting.

Regional Coordinator Tess Pielago also called on the Commission on Elections (COMELEC) to provide enough time for the poll watchers to double check the results before declaring it as final.

Moreso, MAKABAYAN – Bikol doubted the COMELEC’s prediction of an eighty-five percent voters turnout. Voters and volunteers reaffirmed this notion as reports of slow voting process and technical problems in polling precincts kept coming in.

“With the defective CF cards, PCOS machine failures and other reported problems, this is very unlikely,” said Pielago. “This only goes to show that the automated elections failed in its goal of a more efficient voting process. It only succeeded in betraying the people’s trust in the system.”

Mayo 11, 2010 at 12:36 umaga Mag-iwan ng puna

Bicolanos express dismay over the poor performance of the automated elections system


Reference:
Maggie Seva, Regional Coordinator, Task Force Poll Watch– Bicol
Tess Pielago, Regional Coordinator, MAKABAYAN – Bicol

Nine hours after the voting started, Bicolanos are already expressing dismay over the poor performance of the automated elections system. Task Force Poll Watch – Bicol (TFPW – Bicol) volunteers in each province continue to report cases of PCOS machine failure.

Makabayan Regional Coordinator Tessa Pielago declared that the incessant reports of PCOS failures and other problems only show the COMELEC’s inefficiency in implementing this automated elections system.

She furthered that his scenario is a concrete proof of what the coalition has analyzed: this system is inappropriate for the country; the COMELEC is not ready; and most importantly, the system is an opportunity for cheating.

“Far from ensuring a clean and honest election, the incessant problems hounding the automated elections system affirm it as a tool to exploit the people’s right to suffrage for the administration’s own interests,” she added.

Mayo 10, 2010 at 2:05 hapon Mag-iwan ng puna

Artista para sa Pagbabago

Artista para sa Pagbabago!

Mayo 5, 2010 at 2:23 umaga Mag-iwan ng puna

Awit ng Pag-Asa

Itinanghal ng Kaboronyogan Cultural Group para sa Araw ng Paggawa sa Legazpi, Albay.

Mayo 1, 2010 at 11:25 hapon Mag-iwan ng puna

40,000 Bikolano nakiisa sa Araw ng Paggawa

Sa gitna ng matinding init ng araw, malawakang nagsagawa ng kilos-protesta ang mahigit 40,000 Bikolanong manggagawa, magsasaka, kababaihan at kabataan  sa lahat ng panig ng rehiyon upang gunitain ang Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa ngayong ika-1 ng Mayo.

Kaninang umaga, 7,000 katao ang nagmartsa sa mga lansangan ng Sorsogon City. Dala-dala nito ang panawagang “Uring Anakpawis, Ipaglaban ang Karapatan sa Kabuhayan”. Ngayong hapon ay nagkakaroon ng miting de avance ang mga Makabayang kandidato na sina Satur Ocampo at Liza Maza sa pagka-senador at mga Progresibong Partylists tulad ng Anakpawis, Bayan Muna, Gabriela, Kabataan at Act Teachers, dumalo rin sa aktibidad ang ilang lokal na pulitiko. Sa kanyang talumpati, lubos na nagpasalamat ang Bayan Muna nominee na si Atty Joven Laura sa ipinadamang suporta ng kanyang mga kababayan .

Nagkaroon naman ng provincial-wide caravan sa Camarines Norte. Dalawampu’t pitong (27) sasakyan ang nag-caravan at 800 katao ang nagmartsa, bilang pakikiisa sa mga manggagawang Pilipino at mga progresibong personahe ng mga Anakpawis sa Kongreso.

Nagkaroon ng provincial-wide caravan sa Camarines Sur, at magkakaroon ng programa sa Naga City ngayong hapon.

Umabot sa 25,000 katao ang bumuhos sa mga lansangan ng Masbate City. Naglunsad din ng provincial-wide caravan mula tatlong distrito nito. Ang caravan ng mahigit 60 mga bus, trak at iba pang sasakyan  ay tumungo sa Masbate City. Nagmula pa sa 3rd District ang 50 sasakyan at ang 14 ay nagmula sa 2nd District. Pitong pump boats naman ang nagmula pa sa isla ng Ticao at may dalawa pang pump boats mula sa isla ng Burias.

Sa Albay, 2500 katao ang dumalo sa multi-sektoral na pagkilos sa Albay. Makulay na nagmartsa ang mga tagasuporta ng Makabayan mula sa Peñaranda Park patungong centro ng Legazpi City. Isinigaw dito ang todong pagkundena sa atake sa kabuhayan ng mga Bikolano, na dulot na pinatinding operasyong militar. Matapos ang martsa, nagtipon-tipon para sa isang pangkulturang programa na itinanghal sa harap ng Legazpi City Post Office. Nakakaantig-damdamin ang ipinakitang palabas na nagsalarawan sa mga pang-aabusong dinaranas ng masang anakpawis sa kamay ng berdugong AFP. Naghatid ng presentasyon ang Kaboronyogan Cultural Network at Salimpusa, ang Camarines Sur-based cultural group, at dito itinampok ang mabangis na hitsura ng Oplan Bantay Laya. Tampok sa kanilang presentasyon ang pagkundena sa pinakahuling insidente ng pamamaslang sa Brgy San Miguel sa bayan ng Oas. Nitong Abril 29, pinaulanan ng bala ng mga militar ang pamilya Adoni; napaslang ang magkokopras na si Ronald Marco at si Rochelle Topasi; at may tatlo pang sugatan. Ayon sa pamilya ng mga biktima, mga miltar ang may kagagawan ng krimen.

Mayo 1, 2010 at 4:12 umaga Mag-iwan ng puna

MAKABAYAN Miting D’ Avance – Sorsogon

Mayo 1, 2010 at 3:27 umaga Mag-iwan ng puna

All MAKABAYAN Bikol Partylists Instructional Videos

ACT TEACHERS PARTYLIST

ANAKPAWIS

BAYAN MUNA


KABATAAN PARTYLIST

GABRIELA WOMEN’S PARTY

Abril 11, 2010 at 11:57 hapon Mag-iwan ng puna

HOT SEAT: Liza Maza

Abril 5, 2010 at 1:32 hapon Mag-iwan ng puna

Mahihirap at Maka-mahihirap na mga kandidato, nagsagawa ng Caravan at Rally

Tinaguriang Dream Ticket na mga kandidato, inilunsad

Isinagawa ang malaking caravan/ rally kaninang umaga ng mga mahihirap at maka-mahihirap na mga kandidato sa mismong sentrong lugar ng lungsod ng Masbate para sa paunang salvo ngayong panahon ng kampanyahan para sa nalalapit na halalan sa Mayo 10.

Nagsimulang umusad ang caravan ng buong pwersa nang mahihirap na taga-ikatlong distrito bandang alas 6:00 ng umaga at sa ikalawang distrito naman ay tumulak din bandang alas 7:30, nagsukob o nagbuklod ang nasabing pwersa sa crossing street at umikot palibot sa lungsod ng Masbate. Habang ang galing naman sa unang distrito(mga isla ng Ticao at Burias) ay nag martsa naman mula sa Masbate City Fish Port patungo sa pagdadausan ng aktibidad.

Matapos maikot ng mga nag-caravan ay kaagad na dumiretso ang mga ito patungong Masbate Social Center upang magsagawa ng isang programa.

Humigit kumulang sa sampung-libo katao ang dumalo at nakiisa sa nasabing aktibidad.

Dumalo sa naturang rali si Rep. Atty. Joven Laura, 3rd nominee ng Bayan Muna Partylist at representante ni Satur Ocampo na kumakandidato naman sa pagka-Senador sa ilalim ng MAKABAYAN Party. Kabilang din sa nagsalita ay si James Hernandez- Vice President for Southern Luzon ng Kabataang Pinoy Partylist.

Isa-isang nagbigay ng pahayag ang mga ikinukunsiderang miyembro ng Dream Ticket na pinangunahan ni Senior Board Member, Jamon J. Espares, Atty. Freddie Sierra, Engr. “Ramboy” Ramirez, Ansbert “BoBo” Son, Jojo Lopez, Pesyong Resas, John Ragot at Kgd. Jessie “IGAN” Parion.

Marso 28, 2010 at 5:13 umaga Mag-iwan ng puna

Older Posts


Makabayan Bikol

Mga Kategoriya

Spotlight:

RSS www.makabayan.org.ph

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

Flickr Photos